About Coach Kiko

ang kwento ko, at bakit AI

Hi, ako si Kiko. Tinuturuan ko ang mga Pilipino na matuto ng AI nang hindi na-o-overwhelm, sa Tagalog at Taglish, para magamit nila ito sa trabaho, side hustle, negosyo, at ministry.

Portrait of Coach Kiko photo
Coach Kiko ✎

Ang kwento ko

Hindi ako nagsimula sa tech. Naging assistant ako ng pintor, nagtrabaho sa fast food, naging call center agent, at umabot bilang operations manager. Ngayon, nagsisimula ulit ako from scratch para itayo ang sarili kong AI coaching business.

Sa bawat level up, may bagong kailangang matutunan. Minsan akala natin hanggang diyan na lang tayo. Pero natutunan ko na ang pinakamahal na binabayaran mo ay ang presyo ng mga bagay na hindi mo pa alam, lalo na kung pwede sanang makatulong sa trabaho at kita mo.


Bakit AI?

Hindi lang pang-memes at AI movies ang AI. Ginawa ito para mag-solve ng problema: para mapadali ang trabaho, makapagsimula ng side hustle, at mapalago ang negosyo.

Pero sa dami ng tools at tutorials, maraming naliligaw at sumusuko. Kaya imbes na makatulong, nadadagdagan pa ang iniisip nila. Doon ako papasok.

Paano ako magturo

  • Goal muna bago tools
  • Ilang specific tools lang na tugma sa goal mo, hindi lahat
  • Context: paano kausapin ang AI para tailored ang sagot
  • Step by step at may gabay, hindi Google Drive dump
  • Matututo kang matuto, para hindi ka laging umaasa sa tutorial

Saan tayo pwedeng magsimula?

Pumili ng pinaka-swak sa'yo:

Online course waitlist → 1-on-1 coaching Book me as speaker